PSA: MAS MARAMING NAGKATRABAHO KAYSA SA NAWALAN SA Q1 NG AGRI SECTOR

PSA

MAS MARAMING manggagawa ang nagkaroon ng trabaho kaysa sa nawalan sa sektor ng agrikultura, ayon sa huling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa unang quarter ng 2018.

Ayon sa PSA, ang nakalaan na trabaho sa agriculture, forestry, at fishing (AFF) subsectors nationwide ay tumama sa  6.9-percent rate, nalampasan ang sector ng 4.9-percent labor separation o displacement rate, para sa Enero hanggang Marso 2018.

Ang pag-akyat at paghihiwalay ng manggagawa ay nagresulta sa positibong AFF na 2.07-percent labor turn-over rate, pansin ng PSA.

Ang mga bagong natanggap ay nasa permanente o pansamantalang dagdag sa trabaho dahil sa paglawak ng gawaing pangnegosyo, pagpapalit ng mga manggagawa na nawala sa kanilang trabaho, ang pagpapalit ng paraan at teknolohiya ng produksiyon o serbisyo.

Ang separation ay pagkawala ng trabaho na maaaring employee- o employer-initiated.

Ang employer-initiated separation ay maaaring dahilan sa ekonomiya o pagkalugi at kakulangan sa merkado o maaaring non-economic reasons, tulad ng hindi pagpasok ng empleyado o pagliban sa trabaho ng walang kaukulang leave at ang pagpapabaya sa trabaho, ayon sa PSA.

Ang pagpapalit ng mga nawalang manggagawa at paglawak ng mga gawaing pangnegosyo ay nakapagpaakyat sa AFF sa Enero hanggang Marso 2018, ayon sa datos na ipinakita ng PSA.

Noon, ang AFF labor separation ay parehong employee-initiated at employer-spearheaded.

Samantala, ang pag-akyat ng January-March 2018 rate ay umabot sa 12.28 porsiyento para sa industry sector at 8.81 porsiyento para sa serbisyo, ayon pa rin sa ipinakitang datos ng PSA.   PNA

Comments are closed.