HINDI na naman naabot ng Filipinas ang agriculture growth target ng 2019 sa pag-urong ng sektor sa huling tatlong buwan ng taon, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan.
Sa datos na ini-release ng PSA, nakita na ang halaga ng total farm production ay lumago lamang sa 0.4% sa ika-apat na tatlong buwan ng 2019.
Ito ay pag-urong mula sa 2.87% paglago sa ikatlong apat na buwan noong nagdaang taon at ang 1.9% na paglago sa fourth quarter ng 2018.
“At current prices, the value of agricultural production at P492.0 billion was down by 5.3% this quarter,” pahayag ng PSA sa kasunod na pahayag.
Ang huling bilang ay nagdala sa year-to-date agriculture growth sa 0.7%, malakas ng kaunti sa 0.6% paglago na narehistro ng 2018.
Ang buong taong paglago ay hindi sapat para maabot ang target ng Department of Agriculture (DA) ng kahit 2.0% para sa 2019.
Para sa kanyang bahagi, iniuugnay naman ni University of Asia and the Pacific (UA&P) Center for Food and Agri-Business executive director Rolando Dy ang pagbaba dala ng pagkalat ng African swine fever (ASF).
“Hogs, some 20% of agri, pulled down the whole sector. The complex impact of ASF affected growing and transport of animals,” lahad ni Dy sa isang text message.
Sinabi ng PSA na ang produksiyon ng livestock, na nasa bilang na 16.2% ng buong produksiyong agrikultura ay nabawasan ng 8.5%. Ang produksiyon ng baboy ay bumagsak din ng 9.8%.
Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) nitong Agosto 2019 na ang mga baboy sa Filipinas ay nalamang positibo sa ASF, na isinisi naman sa pag-angkat sa China, at ang practice ng swill feeding.
Ang pinakahuling report ng World Organisation for Animal Health (OIE), 97% ng nai-report na pagkalugi sa Asya dahil sa ASF mula Agosto 30 hanggang Setyembre 12 ay nairekord sa Filipinas.
Noong Disyembre, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang bayan ng Rodriguez sa Rizal ay nabigyan na clearance sa nakamamatay na sakit.
Samantala, ang ibang subsectors ng agrikultura na nai-report na paglago sa ikaapat na tatlong buwan — pananim umakyat ng 1.0%, manukan 5.4%, isda 3.4%.
Sa pagsulong, sinabi ni Dar na inaasahan ng sektor na bumawi sa unang tatlong buwan ng 2020, kung kailan ang epekto ng tulong ng gobyerno sa mga magsasaka ay makikita na.
“We will do better in 2020!” sabi niya sa isang hiwalay na pahayag.
“We hope the agriculture sector will perform much better in 2020 with good planning and proper implementation of new and existing programs,” ayon sa kalatas.
Ang resulta ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay inaasahang makikita sa paglago sa unang semester ng taon.
“We will continue to build on the strong foundation in partnership with the local government units, private sector, farmers’ and fishers’ groups, and academe to catapult the entire agriculture sector this year and beyond,” sabi niya.
Comments are closed.