PSA PRESIDENT’S AWARD KAY YULO

Carlos Yulo

IPINAGKALOOB ni Carlos Yulo ang isa sa ‘greatest moments’ sa Philippines sports sa katatapos na taon.

Ang 19-year-old ay gumawa ng kasaysayan nang magwagi ng gold sa  men’s floor exercise ng World Artistic Gymnastics Championships sa Stuttgart, Germany. Si Yulo ang unang Pinoy at unang male gymnast mula sa Southeast Asia na nanalo ng gold sa world stage.

Kambal na tagumpay ito para sa 4-foot-11 Manila-born gymnast dahil nakopo rin niya ang isang puwesto sa 2020 Tokyo Olympics.

Tinapoa ni Yulo ang 2019 sa pagsisilbing isa sa mga ilaw para Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games. Nagwagi siya mg dalawang gold at limang silver medals upang tulungan ang host country na mabawi ang overall title ng biennial meet, 14 na taon makaraang una itong masikwat noong  2005.

Sa paghahatid sa Philippine gymnastics sa mas mataas na antas at sa pagkakaloob sa bansa ng panibagong tagumpay, si  Yulo ay gagawaran ng President’s Award sa SMC-Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa March 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Sasamahan ni Yulo ang  elite list ng mga personalidad na naunang ginawaran ng sportswriting community ng parehong award, kabilang sina Manny V. Pangilinan, multi-titled National University Lady Bulldogs team, billiards champion Rubilen Amit at Dennis Orcollo, at slalom racing champ Milo Rivera.

“Yulo’s historic achievement will forever be etched in Philippine sports annals and one that will stand the test of time, making no other person deserving of the award,” wika ni  PSA president at Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao.

Ang Team Philippines na nabawi ang SEA Games overall crown kung saan malaking bahagi rito si  Yulo, ay gagawaran ng prestihoyosong Athlete of the Year award na eksklusibong ipinagkakaloob ng pinakamatagal nang media organization sa bansa sa gala night na itinataguyod ng MILO, Philippine Sports Commission (PSC), Cignal TV, Philippine Basketball Association (PBA), at  Rain or Shine.

Ang Athlete of the Year at  President’s Award ay dalawa lamang sa mga tropeo na ipagkakaloob ng  PSA sa top personalities at entities na nagmarka sa Philippine sports noong nakaraang taon.

Ang iba pang special awards na ipagkakaloob ay ang Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football, at Coach of the Year.

Kikilalanin din ang recipients ng Major Awards, Tony Siddayao Awards, MILO Junior Athletes Award, at iba pang citations.

Comments are closed.