PSA SINIMULAN ANG BUWANANG SISTEMA NG PAGRE-REPORT NG PALAY, MAIS SA CARAGA

PALAY-MAIS-2

INIHAYAG ng Philippine Statistics Authority sa Caraga Region (PSA) kamakailan na sinimulan na nila ang buwanang sistema ng pagre-report ng sitwasyon ng palay at mais o ang monthly palay, corn situation reporting system (MPCSRS) para sa ngayong taon.

Sinabi ni PSA-13 regional director Rosalinda Apura na ang MPCSRS ay magsisilbing monitoring system na kondisyon ng pagtubo o paglago at tunay na pagtatanim ng palay at mais sa rehiyon.

“The survey aims to update the Palay Production Survey (PPS) and Corn Production Survey (CPS) estimates of the current quarter based on standing crop, and estimates for the next quarter based on planting intentions,” lahad ni Apura.

Para sa unang tatlong buwan ng taon, ang survey ay gagawin sa unang limang araw ng Pebrero at Marso na sasakop sa sample palay farming households sa sample palay producing barangays sa rehiyon.

“All the data and information collected by the hired Statistical Researchers from sample farmer-producers shall be kept strictly confidential and shall not be used for purposes of taxation, investigation or regulation as provided under Article 55 of RA 10625 [the Philippine Statistical Act of 2013],” ani Apura.

Bukod sa MPCSRS, sinabi ni Apura na ang ahensiya ay magsisimula rin ng Palay and Corn Stock Survey (PCSS1) para sa ta-ong ito.

Ang PCSS1 ay isa sa regular na buwanang survey ng PSA na naglalayon ng makapag-generate ng estimates  the current stocks of rice and corn I kasalukuyang stock ng palay at mais sa farming and non-farming households sa rehiyon.

Sinabi ni Apura na ang mga nakuhang datos sa pamamagitan ng PCSS1 ay gagamitin para mag-monitor sa sitwasyon ng stock ng mga pagkaing nabanggit para masiguro ang supply at demand demand equilibrium, access, at price stability sa Caraga.

Makatutulong ang survey sa policymakers sa rehiyon para malaman ang kantidad na puwedeng ma-import para sa seguridad ng pagkain at makatutulong sa suporta sa datos na kailangan ng mga nagpaplano, policy at decision-makers, at ibang kasapi sa sector ng agrikultura at ng publiko.

“The monthly PCSS1 covers sample farming households and non-farming households from the sample barangays covered in the Palay and Corn Production Surveys. The collection of data is undertaken by hired Statistical Researchers (SRs) through personal interviews during the first four days of the month with the 1st day of the month as the reference period,” sabi ni Apura.

“The same with the results generated in MPCSRS, all the data and information collected through the conduct of PCSS1 shall be kept strictly confidential and shall not be used for purposes of taxation, in-vestigation or regulation as provided under Article 55 of RA 10625,” dagdag pa niya.               PNA

Comments are closed.