PSC AAYUDA SA BURAUEN SPORTS COMPLEX RENOVATION

William Ra­mirez

MAGKAKALOOB ang Philippine Sports Commission (PSC) sa local government ng  Burauen, Leyte ng financial at technical aid para sa renobasyon ng Burauen Sports Complex Track Oval and Swimming Pools sa 2021.

Sa isang courtesy visit kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kamakailan, si Burauen City Mayor Juanito Renomeron at ang sports agency chief ay nagkaroon ng kasunduan para sa planong pag-renovate sa sports facilities ng lungsod.

“The PSC is persistent in its mandate to make sports accessible to every Filipino, and to support local government units on their grassroots sports programs that creates better citizenry through sports,” ani Ra­mirez.

Nagpasalamat naman si Renomeron sa PSC para sa pangako nitong tulong.

“We were surprised by the support coming from the PSC for the renovation of both our track oval and swimming pool. This is a great step in developing a better grassroots sports program in our city,” sabi ni Renomeron.

Idinagdag ng city mayor na ang renobasyon na isasagawa sa 6-hectare sports complex ay magpapalakas sa kanilang bid na maging host ng susunod na edisyon ng PSC programs tulad ng  Batang Pinoy at Philippine National Games, gayundin ng Palarong Pambansa sa 2023.

Samantala, nakatakdang dumalo si Ramirez sa opening ceremonies ng  Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) meet sa Burauen Sports Complex sa March 22.

Noong 2018 ay nakipag-partner din ang PSC sa Mindanao State University (MSU) para sa pagsasaayos sa Track Oval nito bilang bahagi ng tulong ng ahensiya sa pagbangon ng Marawi City.

Comments are closed.