PSC AAYUDA SA MGA ATLETA NA SINALANTA NG MGA BAGYO

PSC

MAGKAKALOOB ang Philippine Sports Commission (PSC) ng tulong pinansiyal sa mga miyembro ng national team na sinalanta ng magkakasunod na bagyo.

Nakipag-ugnayan na ang PSC sa national sports associations (NSAs) para malaman kung sino-sino ang mga naapektuhan ng mga kalamidad.

Sa ulat na natanggap ng sports agency, nasa 57 athletes at coaches mula sa 9 sports ang lumikas o nawalan ng tirahan dahil sa torrential rains at flash floods sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Tiniyak ni PSC Chairman William Ramirez na minomonitor nila ang mga miyembro ng national team na nasalanta ng mga bagyo at minamadali na ang proseso ng pagpapalabas ng tulong pinansiyal.

“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” wika ng sports chief.

“We will have this rolled out the soonest. We are just waiting for the final report from the NSA affairs so we can finalize everything,” dag-dag ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Karamihan sa mga apektadong of national athletes at coaches ay nagmula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation na nakatira malapit sa floodways sa Rizal. CLYDE MARIANO

Comments are closed.