ISANG linggo bago ang pag-arangkada ng Asian Games sa Indonesia, tinagubilinan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang mga atletang Pinoy na paghusayan at gawin ang lahat para makapag-uwi ng karangalan sa bansa.
“First and foremost, you go to Indonesia with a mission to win honors for the Philippines. As ambassador of sports, play your best out there to please and satisfy your countrymen back home praying for your success in your favorite sports,” sabi ni Ramrez na isa ring dating atleta at educator.
“PSC is right behind you in your quest for fame and glory overseas. This time you venture in another sports adventure in the Asian Games matching prowess against foreign rivals. Show the heart of a fearless Filipino warrior not afraid to face all the chal-lenges coming your way,” paalala ni Ramirez.
Naglaan ang PSC ng P72 million para sa kampanya ng mga Pinoy sa quadrennial meet na lalahukan ng mahigit 50 bansa.
Kakatawanin ang Filipinas ng 274 contingent sa pamumuno nina Chief of Mission Richard Gomez at Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas. Sasabak ang mga Pinoy sa 31 sa mahigit 40 sports na paglalabanan sa dalawang ling-gong torneo na gaganapin sa Jakarta at Palembang. Nakatakda ang Asiad sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.
“Sana naman ay galingan at paghusayan nila ang paglalaro para matuwa ang mga taxpayer na sumuporta sa kanila,” sabi ng isang taxpayer na mahilig sa sports.
Magugunitang nagpalabas ang PSC ng mahigit sa P86 million sa nakaraang Southeast Asian Games na nilahukan ng 661 atleta sa Malaysia.
Ang nasabing budget ay para sa air fare, accommodation, uniforms at allowances ng buong delegasyon, kasama ang mga opis-yal, coach at medical staff.
“As promised, we shall continue to support our national athletes competing in overseas competition,” dagdag pa ni Ramirez. CLYDE MARIANO