PSC GRASSROOTS PROGRAM EPEKTIBO – RAMIREZ

William Ramirez

EPEKTIBO at nararapat lamang na palakasin ang grassroots program ng  Philippine Sports Commission (PSC), ayon kay Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting.

Sinabi ni Diaz na buhay na patotoo ang kanyang karanasan bilang isang produkto ng Batang Pinoy at Philippine National Games – dalawang programa ng PSC na inilunsad para mabigyan ng kompetisyon ang mga batang may edad 14 pababa, gayundin ang kabataan na 15-anyos pataas.

“Talagang malaking bagay ang nagagawa ng competition and programs. It gives awareness,” pahayag ni Diaz sa panayam ng PSC Public Sports Hour na livestreaming sa Facebook at YouTube.

“Ang Olympics ay ultimate na pangarap ng lahat ng mga atleta pero may kaakibat na responsibilidad. Kailangan ay patuloy ang sakripisyo at pagsasanay. Kailangan po ay patuloy tayong magsilbing inspirasyon para sa mga kabataan,” sabi ni Diaz.

Mula sa dalawang programa ng PSC, naging miyembro ng National Team ang 26-anyos na pambato ng Zamboanga City at suma-bak sa iba’t ibang international competition. Sa 2008 Beijing Games unang nakatikim ng Olympics si Diaz at sa 2018 Rio Games nasungkit ang silver medal bago ang makasaysayang Olympic gold ngayong taon sa Tokyo, Japan.

Tulad ni Diaz, produkto rin ng PSC program sina 2020 Olympics silver medalists boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam, at bronze medalist Eumir Marcial.

Malaki ang naiambag ng apat sa matagumpay na overall championship ng bansa sa 2019 SEA Games bago naitala ang pinakamat-ikas na kampanya sa Olympics sa nasungkit na isang gold medal, ang Olympic record, dalawang silver at isang bronze.

Ikinalugod ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang impresibong kampanya ng Team Philippines.

“The Filipino youth will go a long way if we continue investing in our grassroots. Taking care of Hidilyn Diaz since her first Olympic campaign shows that developing athletes should be from the ground up,” pahayag ni Ramirez, chairman din ng PSC noong 2005 nang makamit ng bansa ang unang overall title sa SEA Games.

Iginiit ni Ramirez na epektibo ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga institusyon tulad ng DepEd at CHED para masustinihan ang programa at pag-angat ng mga atletang Pinoy mula sa grassroots hanggang sa elite level, kabilang sina Olympic artistic gymnastics finalist at world champion Carlos Edriel Yulo, weightlifting national record holder Elreen Ando, taekwondo jin Kurt Barbosa, at rower Cris Nievarez.

“The achievement of these young athletes has affirmed the vital role of strengthening grassroots sports alongside elite sports. Working in unity as one nation will truly lead us to a more promising and brighter future for Philippine sports,” ani Ramirez.

Inaasahan ni Ramirez na mas mapaiigting ang programa sa grassroots sports sa pagpapatibay ng Philippine Sports Institute (PSI) at sa paglarga ng National Sports Academy.  EDWIN ROLLON

7 thoughts on “PSC GRASSROOTS PROGRAM EPEKTIBO – RAMIREZ”

  1. 992563 206602This site is really a walk-through it truly could be the details you wanted concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and you will totally discover it. 320665

  2. 517730 529776Now im encountering a fresh short difficulties Once i cant look like allowed to sign up for the certain give food to, Now im utilizing search engines like google audience. 377293

  3. 911809 920089When do you think this Real Estate market will go back in a positive direction? Or is it still too early to tell? We are seeing a great deal of housing foreclosures in Altamonte Springs Florida. What about you? Would love to get your feedback on this. 770705

  4. Thanks for the suggestions you have discussed here. Also, I believe there are a few factors which will keep your auto insurance premium all the way down. One is, to bear in mind buying autos that are inside good directory of car insurance organizations. Cars which have been expensive are more at risk of being snatched. Aside from that insurance is also in line with the value of your automobile, so the higher in price it is, then higher the particular premium you pay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *