NAKAHANDA na ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa nalalapit na 2019 Batang Pinoy National Championships na gaganapin sa Puerto Princesa City, Palawan sa Agosto 25-31.
“The PSC is ready for the growing number of delegates that will take part in the games,” wika ni National Secretariat Head Manuel Bitog.
Nasa 10,000 athletes, coaches, technical at delegation officials mula sa buong bansa ang inaasahang makikibahagi sa kabuuang 31 sporting activities.
Tinukoy ng PSC ang 10 billeting areas na tutuluyan ng mga delegasyon mula sa 234 local government units na kakatawan sa event; Sta. Monica Elem. School, Sta. Monica High School, F. Ubay Memorial Elem. School, Manuel Austria Memorial Elem. School, Sicsican Elem. School, Sicsican High School, Puerto Princesa Science High School, Palawan National School, Puerto Princesa Pilot Elem. School at San Jose Nat’l High School. Anim na iba pang billeting areas ang ihahanda upang ma-accommodate ang mga karagdagang pangangailangan ng mga kalahok.
Ayon kay National Secretariat senior member Teresito Fortaleza, ang PSC team ay magsasagawa ng final ocular inspection sa competition at non-competition venues para sa national championships, kasama si Puerto Princesa City Sports Director Atty. Rocky Austria ngayong linggo.
Isang Children’s Fun Run ang idaraos sa umaga ng closing day sa Agosto 31, kung saan nasa 8,000 kids mula sa buong lalawigan ang inaasahang lalahok.
Pormal na nilagdaan nina PSC Commissioner Celia Kiram at Puerto Princesa Mayor Lucio Bayron ang memorandum of agreement para sa hosting ng games noong nakaraang Hulyo 26.
Comments are closed.