PSC HANDA NA SA SARANGANI INDIGENOUS GAMES

HINDI mapipigil ng pandemya ang pagkilala sa mga laro ng mga katutubong Pilipino.

Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Oversight for the Indigenous Peoples Game Charles Raymond Maxey na isasagawa ng PSC ang pagtatampok sa katutubong mga laro sa pamamagitan ng pre-recording program sa Oktubre 8-12 sa Sarangani Province.

Bilang pagtalima sa ipinatutupad na safety and health protocols ng Inter-Agency Task Force, limitado ang mga kalahok sa programa na bahagi ng pag-diriwang ng 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (QCP).

Walong tradisyunal na katutubong laro ang itatampok sa programa, kabilang ang blowdart, Kmisong (fire-making drill), Skuyah (track and field), javelin throw, at pana.

Ibibida rin ang traditional dance na tanyag sa mga tribong Tagakaulo, T’boli, at B’laan na kabilang sa pinangangasiwaan ng Indigenous Cultural Communities (ICCs) na gaganapin sa  Municipality of Malungon. “The activity aims to promote the traditional sports and games of the Sarangani IPs through a pre-recorded mini-documentary,” pahayag ni Maxey.

Pinasalamamatan din ni Maxey ang mga pinuno ng mga tribo, gayundin ang pahintulot na ibinigay ng Sarangani Provincial Tribal Council (PTC) para maidokumento ang mga katutubong laro. Mapapanood ang programa via streaming sa PTV-4 at sa National Quincentennial Committee (NQC) Facebook p“We will observe the health and safety protocols implemented by the Provincial Government of Sarangani and Municipality of Malungon,” sabi ni Maxey.

Itinataguyod din ang programa ng Pocari Sweat Otsuka-Solar Philippines, Inc., sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Provincial Government of Sarangani, at Municipality of Malungon. EDWIN ROLLON

Comments are closed.