PSC INDIGENOUS SPORTS AND GAMES WEBINAR SERIES SIMULA NA

SENTRO ng usapin ang mga programa sa Indigenous Games sa pagsisimula ng Philippine Sports Commission (PSC) 2021 Indigenous Sports and Games Webinar Series: Preserving and Promoting the Rich Cultural Heritage of our Ancestors ngayong araw.

Ang apat na serye ng seminar ay bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Month at magtatampok sa mga kilalang resource speakers sa naturang programa.

Sisimulan ni Tourism Officer of Hungduan, Ifugao Haydee Hermosora ang programa sa pagtalakay sa paksa na “Punnuk”, isang matandang kaugalian at tradisyon na ginagawa ng mga residente ng Hungduan bilang pasasalmat sa masaganang ani. Kinila ito bilang isa sa Intangible Cultural Heritage of Humanity ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) noong 2015.

Tatalakayin naman ni Professor Jo-Ann Gimenez Grecia ng Department of Professional Education, University of East (UE) Manila ang “Teaching Philippine Games: Perspective from Non-Indigenous Physical Educator”  sa October 21.

Susundan ito ng paksang ‘Cultural Sensitivity’ ni  Director Ferdausi S. Cerna ng  Bureau Office of Education, Culture, and Health ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa October 28.

Ang huling paksa sa November 5 ay ang “Traditional and Indigenous Games as Intangible Cultural Heritage” na tatalakayin ni Prof. Pere Lavega, presidente ng European Association of Traditional Sports and Games.

Umaasa si PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey, oversight for the Indigenous Peoples Games program, na mas mapa-tataas ng naturang programa ang kamalayan ng Pilipino, higit ng mga kabataan sa kahalagahan ng mga matatandang kaugalian at tradisyon.

“We believe that these honored resource speakers will further encourage not just the Indigenous Peoples (IPs) but all Filipinos to promote and showcase our traditional games,” pahayag ni Maxey.

Kabuuang 1,000 kalahok ang inaasahang makikibahagi sa programa, sa pagtataguyod ng NCIP at Pocari Sweat, sa ala-1 ng hapon via Zoom.  EDWIN ROLLON

Comments are closed.