NEW PLAYERS. Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Edward Hayco delivers a message during the National Grassroots Sports Summit at the Notre Dame of Kidapawan College in Kidapawan City, Cotabato on Wednesday (May 1, 2024). The PSC tapped the Private Schools Athletic Association (PRISAA) to help carry out the sports agency’s mandate. (PSC photo)
BINIGYANG-DIIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mahalagang papel ng mga lider at coach sa pagprodyus ng world-class athletes, sa National Grassroots Sports Summit sa Kidapawan City, Cotabato.
Pinangunahan ni Commissioner Edward Hayco, ang PSC ay lumibot sa buong bansa upang iparating ang commitment ng ahensiya na paigtingin ang agenda nito tulad ng minamandato ng batas.
“In every summit we attend, I always stress the creativity that every coach can play in producing new Olympians. All of you here, as ordinary coaches, are able to breed champions,” pahayag ni Hayco sa summit na idinaos sa Notre Dame of Kidapawan College noong nakaraang Miyerkoles.
Binigyang-diin din niya ang pangangailangan na magkaroon ng ugnayan sa Private Schools Athletic Association (PRISAA), at iba pang sports-based associations, tulad ng State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA), at sa Department of Education-organized Palarong Pambansa sa paghubog sa mga atleta upang maging top-caliber.
Samantala, binanggit ni Cotabato Provincial Advisory Council for Sports representative Kerwyn Pacifico kung paano nakatulong ang buong suporta ng local government unit sa mga atleta.
Noong 2022, ang Cotabato ay No. 71 sa Batang Pinoy National Championships overall rankings na may 3 silvers at 7 bronzes. Noong sumunod na taon, umakyat ito sa No. 25 makaraang magwagi ng 12 golds, 13 silvers, at 17 bronzes.
“Dito sa amin, basta mag-qualify ka, for training ka na. Walang palakasan. We provided them vitamins, pagkain, allowance, jackets, and mga equipment,” ani Pacifico.
Ang mga naunang summits ay idinaos sa Legazpi City (Albay), Cagayan de Oro, Pagadian City (Zamboanga del Sur), Angeles City (Pampanga), Tuguegarao City (Cagayan), Zamboanga City, at Bacolod City (Negros Occidental).
CLYDE MARIANO