KUMPIYANSA si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na mas matutugunan ng Kongreso ang pangangailangan ng ahensiya ng karagdagang budget sa gitna ng tagumpay ng Philippine Team sa Tokyo Olympics.
Nakamit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya sa quadrennial meet sa weightlifting, habang silver medal winner sa women’s boxing si Nesthy Petencio. Nadagdag ang bronze medal sa boxing ni Eumir Marcial sa middleweight class, habang nakuha ni Carlo Paalam ang tsansa na madagdagan ang gintong medalya ng Pilipinas nang magwagi sa flyweight semifinals kontra Japanese Ryomi Tanaka kahapon.
“Naiintidihan natin ang Kongreso pagdating sa budget, pero sa ipinakita ng ating mga atleta sa Olympics, at during the 2019 SEA Games where we won the overall championship, we’re hoping madagdagan kami ng budget,” pahayag ni Maxey sa TOPS ‘Usapang Sports’ via Zoom.
“For the past years, talagang ginagawa rin namin ang makakaya namin para matustusan ‘yung pangangailangan ng mga atleta. Nang magkaroon ng pandemic, lahat ng agency kasama kami talagang nagbawi ng pondo para labanan ang pandemic. Nagkaroon kami ng pagkukulang sa mga atleta pero na-resolve naman kaagad,” pahayag niya sa public sports forum na itinataguyod ng PSC, PAGCOR at Games and Amusement Board (GAB).
Nakatanggap ang PSC ng alokasyon na P250-M sa National Appropriation Act, habang patuloy pa rin kahit gipit din ang pag-remit ng PAGCOR sa buwanang kontribusyon sa sports commission.
“Actually, sa PSC wala kaming special program na ginawa. ‘Yung responsibilidad namin at trabaho bilang Board ginampanan lang namin. Kung ano ang kailangan ng atring mga Olympain tinugunan namin. Nagpapasalamat talaga kami sa Diyos at sa mga atleta sa kanilang sakripisyo at nagtagumpay tayo sa Olympics,” aniya. EDWIN ROLLON
997019 786448Hi there, just became aware of your weblog by way of Google, and located that its actually informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate if you continue this in future. Lots of people is going to be benefited from your writing. Cheers! 815181
498594 454146I like this post, enjoyed this one regards for posting . 243327
105710 745123It is truly a cool and beneficial piece of info. Im glad which you shared this useful information with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 595344