PSC LAW NAPAPANAHON NA AMYENDAHAN – BUHAIN

MAS matibay na ugnayan at pakikipagtambalan sa pribadong sektor at sa Department of Education (DepEd), karagdagang insentibo sa atleta, gayundin ang pagkakaroon ng mas may ngipin na kapangyarihan sa ‘visitorial power’ sa mga National Sports Association (NSA) ang nais na amyenda ni Batangas First District Rep. Eric Buhain sa kasalukuyang batas sa Philippine Sports Commission (PSC).

“Almost 32 years na ang PSC.  It’s about time na magkaroon tayo ng amyenda sa PSC Law. I think particular amendment natin eh ‘yung mas maengganyo ang private sector na sumuporta and partnership sa DepEd dahil kasi sa kanila talaga nanggagaling ang mga kabataan na sasanayin natin at ihahanda sa international  competition,” pahayag ni Buhain.

Batay sa Republic Act No. 6847 o ang PSC Law, responsibilidad ng ahensiya ang koordinasyon at pangangasiwa sa lahat ng amateur sports.  Ngunit iginiit ni Buhain na napapanahon nang maamyendahan ang batas para mas masiguro ang nas matibay na progarama para sa atletang Pinoy at iba pang stakeholders.

“It has to adjust, it’s about timer to amend and I’m open to sit down with all stakeholders para mas mapalalim pa natin ang programa, maging consistent ang performance ng ating  ang atleta at talagang dapat nating ibaba ang atensiyon sa grassroots. Proven na ito sa ibang bansa  na ‘pag pumasok ang suporta ng pribadong sektor, mas lumalawak ang talent pool,” sabi ni Buhain, dating SEA Games record holder, Olympian at Philippine Sports Hall of Famer, sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc.  (TOPS) kahapon via Zoom.

Ayon kay Buhain, inaasahan niyang mas magiging madali sa Kongreso ang pag-amyenda sa PSL Law sa pagkakaluklok sa Mababang Kapulungan ng mga tulad niyang sportsmen at dating atleta gaya nina Ormoc Rep. Richard Gomez at PBA Party-list Rep. Mikee Romero, habang muling nahalal sa Tagaytay City si Rep. Bambol Tolentino, ang kasalukuyang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Mag-uusap-usap kami nina Cong. Bambol, si Cong. Richard Gomez diyan, while sa Senado naman nandiyan ang mga sports supporter tulad nina Senator Migz Zubiri, Chiz Escudeo, Sonny Angara, Sen, Cayetano and Bong Go. Matagal na ang PSC, it;s about time na dagdagan natin ang incentives ng private sector para mas tumibay ang partnership ng PSC,” dagdag ni Buhain sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at PAGCOR.

“May existing tax break and deed of donations para sa private sector.  Pero kung mas malalim pa ang maibibigay nating insentibo sila na mismo ang magtatayo ng sports center  at training center. Kung magkagayon mas magandang programa ang magagawa sa sports, tapos mas malalim na partnership sa DepEd at sa local government unit,” ayon kay Buhain.

Nakasalalay sa General Appropriation (GA) ang pondo ng PSC, at bahagi rin ng gastusin ang buwanang remittance ng PAGCOR, subalit sa sinusuportahang  mahigit 1,000 atleta mula sa may 56 sports associations at iba pang institusyon,  hinaing sa tuwina ang kakulangan ng pondo.

“We will try out best na maipaglaban ang dagdag na pondo sa PSC. Kailangan natin ito, pero napalakaing tulong ang pribadong sektor, kung wala sila hindi kakayanin ng pamahalaam,” aniya. EDWIN ROLLLON