PATULOY na susulong ang liderato ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ni newly-appointed Chairman Richard Bachmann.
Sa isang simpleng turnover ceremony na idinaos sa Rizal Memorial Sports Complex kahapon, pormal na ipinasa ni dating PSC chief Jose Emmanuel “Noli” Eala ang PSC chairmanship kay Bachmann.
Nagpahayag si Bachmann ng pasasalamat sa kanyang predecessor na nagsilbing ika-11 chairman ng sports agency at pinangunahan ang matagumpay na pagbabalik ng Batang Pinoy National Championships grassroots program sa face-to-face competition noong 2022.
“I would like to thank and honor former Chairman Noli Eala for his service and dedication to support our National Sports Associations and national athletes. I look forward to learning more about the programs that are in the pipeline, as well as those that are already being implemented,” pahayag ni Bachmann.
Pinasalamatan din ni Eala si Bachmann sa pagkakaloob sa kanya ng oportunidad na maibahagi ang kanyang mga pananaw at kaalaman na kanyang nakuha sa kanyang pagiging PSC chairman. Tiniyak niya sa bagong agency head ang kanyang buong suporta.
CLYDE MARIANO