Kasama ni PSC Chairman Richard Bachmann (ika-5 sa kaliwa) sa photo op ang iba pang sports ministers mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Vietnam at Timor Leste sa 7th ASEAN Ministerial Meeting on Sports (AMMS-7) at related meetings sa Chiang Mai, Thailand noong Huwebes, August 31. PSC PHOTO
PINAGTIBAY ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pangako nito na isusulong ang national sport na arnis sa rehiyon sa 7th ASEAN Ministerial Meeting on Sports (AMMS-7), 14th Senior Officials Meeting on Sports (SOMS-14) at related meetings sa Chiang Mai, Thailand.
Nagsama-sama sa naturang mga okasyon ang sports ministers, leaders at officials mula sa Southeast Asia noong August 27 hanggang September 2 upang talakayin ang pagtutulungan sa pagtataguyod ng sports excellence at development.
Tinalakay ng PSC ang pangako nitong isusulong ang ‘culture of sportsmanship, inclusivity and excellence’ sa Pilipinas at sa mas malaking ASEAN community.
“The Philippines has always been in support of the activities of the different ASEAN member states that are incorporated in the ASEAN Work Plan on Sports 2021-2025, to strengthen cooperation towards an active community, where sports grow with integrity and serve an essential means in advancing socio-cultural development and promoting peace,” sabi ni PSC Chairman Richard Bachmann, na nanguna sa Philippine delegation.
Sinabi pa ni Bachmann na plano ng sports agency na idaos ang ikalawang edisyon ng Arnis Expo sa susunod na taon, bilang bahagi ng mga aktibidad ng bansa sa sport’s overall promotional program.
“Arnis, as our national sport, is a complete martial art system of weapons training and empty-hand self defense. We want our ASEAN neighbors to experience and appreciate this sport and further forge sports activities and exchanges of experts,” dagdag ng PSC chief, na sinamahan ni PSC Commissioner Bong Coo bilang SOMS leader ng bansa.
Dumalo si Coo sa 6th SOMS+Japan meetings, kung saan ibinahagi ng lady commissioner ang mga inisyatibo at pagsisikap ng PSC hinggil sa women in sports ngayong taon, na may layuning bumuo ng collaborative measures sa hanay ng ASEAN member states.
“This is a great opportunity to learn from our neighbors, and continue our commitment of equal participation and opportunity of sports for every woman in the region,” ani Commissioner Coo.
Noong 2019, bago ang SEA Games hosting ng bansa, pinangunahan ng Pilipinas ang 5th edition ng AMMS at related meetings na dinaluhan ng mga delegado mula Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Vietnam at Timor Leste sa PICC sa Pasay City.
-CLYDE MARIANO