IBINIDA ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang tagumpay ng mga proyekto ng ahensiya ngayong taon.
Binanggit ni Ramirez ang thee-leg (Luzon, Visayas ,Mindanao) Batang Pinoy, Philippine National Games, Children’s Games, Peace for All Sports, Indigenous Sports, nationwide sports seminar/clinic, at nationwide Learn and Play Sports for Free, sa pakikipagtulungan ng local government units.
Sinabi rin ni Ramirez na malaki ang papel na ginampanan ng PSC sa Palarong Pambansa na pinangasiwaan ng Department of Education (DepEd).
“I can say with pride PSC successfully accomplished these projects with flying colors with the help of Commissioners Dr. Celia Kiram, Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey and Arnold Agustin. We seriously and diligently worked hard and consolidated our efforts to make sure all the projects attain success,” pahayag ni Ramirez.
Hindi nakalimutan ni Ramirez na pasalamatan at purihin ang kanyang staff sa malaking tulong nito para masiguro ang tagumpay ng sports activities na inilunsad ng PSC ngayong taon.
“My entire staff and those from other departments indeed worked hard and pulled their resources to ensure the success of all the sports activities undertaken by PSC,” dagdag pa ni Ramirez.
Bukod sa mga proyektong inilunsad ng PSC, sinabi ni Ramirez na buong pusong ginampanan ng ahensiya ang responsibilidad bilang tagapangalaga ng national athletes sa kanilang pagsabak sa international sports competitions tulad ng Southeast Asian Games, Asian Games, Olympic Games, World Youth Olympics, ASEAN Para Games, Asian Para Games, Olympic Para Games, at iba pang overseas tournaments.
Kamakailan ay ginastusan ng PSC ang paglahok ng mga Pinoy sa BIMP-EAGA Sports Competition na ginanap sa Brunei, sa pamumuno ni Commissioner Charles Raymond Maxey bilang Chief of Mission.
“The primary role of PSC is to take care and look after the welfare of national athletes and provide them the needed assistance in their training and preparation in their quest for glory in international sports competitions,” paliwanag ni Ramirez. CLYDE MARIANO
Comments are closed.