PSC-PSI GRASSROOTS COACHING PROGRAM

GRASSROOTS COACHING

MAHIGIT sa 150 coaches, trainers at sports officials ang lumahok sa four-day program ng Philippine Sports Commission at ­Philippine Sports Institute sa Biliran kung saan tu­manggap sila ng advance coaching skills sa athletics, badminton, box-ing, taekwondo at swimming.

Kabilang sa mga dumalo sa Grassroots Sports Coaching Clinic and Consultative Sports Planning na idinaos sa Bi­liran Province State University noong Agosto 13-16 ang veteran athletes, national coaches at officials.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PSC Visayas Sports Coordinator Nonnie Lopez ang kahalagahan ng tama at scientific coaching approach sa grassroots sports.

“The next generation of Filipino athletes lies in the grassroots. The PSC and PSI are here to impart dynamic and scientific techniques that would make our coaching more effective in this level,” ani Lopez

“We thank the PSC and PSI for this sports clinic that will surely elevate our grassroots program in Bi­liran. Sana makuha na natin ang gold sa limang larangan na nakasali sa clinic na ito,” dagdag ni DepEd Region 8 OIC-Assistant School Division Super- intendent Crista Joy Torabila.

Samantala, may 50 local government officials mula sa walong bayan sa lalawigan ang dumalo sa seminar, kasama sina Lopez, PSC Min­danao Sports Coordinator Ed Fernandez at Dr. Gemima Valderrama ng Department of Education bilang re-source speakers.

Ang Sorsogon City at Bukidnon Province ang susunod na magiging stops para sa programa sa Setyembre 4-8 at Setyembre 16-22,  ayon sa pagkakasunod.

Ang first edition ng programa ay idinaos sa Calbayog, Samar noong nakaraang Marso 25-30.

Comments are closed.