PSC, PUERTO PRINCESA SANIB-PUWERSA SA BATANG PINOY FINALS HOSTING

Signing

PORMAL na nilagdaan nina Philippine Sports Commission Officer-in-Charge at Commissioner Celia Kiram at Puerto Princesa, Palawan Mayor Lucio Bayron ang  Memorandum of Agreement para sa hosting ng Batang Pinoy Finals kahapon ng umaga sa Rizal Memorial Sports Complex.

“We are grateful to the PSC for choosing us to host this event,” wika ni  Bayron.

Pinasalamatan din ni PSC Chairman Butch Ramirez, sa pamamagitan ni BP Project Director at PSC Deputy Director Atty. Guillermo B. Iroy, Jr., ang lungsod sa pagtanggap sa alok ng PSC.

Isa sa center-piece grassroots programs ng sports agency para sa mga kabataan, ang national finals ng Batang Pinoy ay gaganapin sa Agosto 25-31 sa Puerto Princesa.

Ginawa ang Mindanao leg ng Batang Pinoy sa Tagum, Davao del Norte, habang ang Visayas leg ay sa Iloilo at ang Luzon ay sa Ilagan, Isabela.

Batang Pinoy is truly a breeding ground of future athletes. Most of our national athletes are products of Batang Pinoy. I am pretty sure many young promising athletes will surface,” wika ni Kiram.

Mahigit sa 6,000 atleta at 4,000 opisyal, working staff at spectators ang inaasahang manonood sa kumpetisyon sa 31 sports na lalaruin.

Ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, dancesport, futsal, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, indoor at beach volleyball,  ay kasama sa Batang Pinoy calendar at nagkaroon ng qualifying rounds para sa Luzon, Visayas at Min­danao.

Tinatayang 1,066 atleta ang inaasahang didiretso sa finals sa sports ng  cycling gymnastics, judo, billiards, muay, rugby football, triathlon, soft tennis, weightlifting, wrestling at wushu.

Magdo-donate ang PSC ng P16 milyong ha­laga ng sports equipment sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa bilang bahagi ng kanilang co-operation agreement.

“We also want their athletes to have more chances to train with proper equipment, that is why we donate these to LGUs who host our multi-sports events,“ paliwanag ni Kiram. CLYDE MARIANO

Comments are closed.