PSC SALUDO SA PINAY ATHLETES

PINAPURIHAN ng pamahalaan, sa pama­magitan ng  ( PSC), ang tagumpay ng national women athletes sa sports ng karate, weightlifting, at football na nagwagayway sa bandila ng Pilipinas sa iba’t ibang panig ng mundo.

“For July, we have a lot of reasons to cheer for. In sports, women are brimming with success and talent for this month, and it is something to celebrate and be proud of,” sabi ni PSC Officer-in-Charge, Atty. Guillermo Iroy Jr.

Sinimulan ni national karateka Junna Tsukii ang buwan sa kanyang gold medal feat sa The World Games sa Birmingham, USA.

Si Fil-Japanese Tsukii na sinamahan ng kanyang foreign coach na si Okay Arpa at ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. President and Team Manager Richard Lim, ay tumanggap ng kabuuang Php 1.3 million na financial assistance mula sa PSC para sa airfare, accommodation, PCR test, US visa fee, at allowances para sa training, transportation, at competition. Nakatakda siyang tumanggap ng P1 million incentive sa ilalim ng RA 10699.

Nagwagi naman si Filipino weightlifter Rose Jean Ramos ng 4 gold, 1 silver at 1 bronze medals sa Women’s 45kg category sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan. Winalis ni Ramos ang lahat ng gold medals sa Youth na may 70kg sa snatch, 83 kg sa clean and jerk para sa total lift na153kg. Humablot din siya ng 1 gold, 1 silver at1 bronze sa Junior competition.

Nanalo si Angeline Colonia ng 2 golds at 1 silver at binura ang Asian at World youth record sa Women’s 40kg class makaraang bumuhat ng 62 kilos sa snatch, at 72kg sa clean and jerk para sa total lift na134kg. Nakopo naman ni Prince Keil delos Santos ang 2 bronzes sa Men’s 49kg category.

Ang tatlong nagwaging lifters ay bahagi ng 17-man Philippine weightlifting team na binubuo ng13 athletes at 4 coaches sa Tashkent, Uzbekistan na tumanggap ng Php 5.5 million financial support mula sa PSC para sa airfare, accommodation, entry at visa fees, at travel insurance.

Samantala, naitala ng Philippine National Women’s Football team ang makasaysayang tagumpay sa ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship 2022 nang hubaran ng korona ang four-time champion Thailand sa finals, 3-0. Ito ang unang korona ng Pilipinas magmula noong 2004.

“Such honors inspire us even more to support the aspirations of our Filipino athletes, especially the young ones. We are grateful for all their sacrifices and love for the country,” sabi ni Atty. Iroy.

CLYDE MARIANO