IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa absentee voting ng mga atletang Pinoy.
Ipinahayag ng PSC nitong Martes na hindi pinayagan ng Comelec ang kahilingan ng ahensiya na payagang makaboto sa pamamagitan ng local absentee voting sa 2022 elections ang mga atleta, opisyal at cach na kabilang sa delegasyon ng bansa na sasabak sa Southeast Asian Games sa Vietnam.
Nakatakda ang SEA Games sa Hunyo 11-23, ngunit kailangang makaalis patungong Vietnam ang delegasyon nang mas maaga para makapagsanay at makibagay sa kondisyon ng panahon at mga venue na paglalaruan doon. Ang eleksiyon ay gaganapin sa Mayo 10.
“The Comelec has politely turned down the proposal citing the Omnibus Election Code, Executive Order no. 157, Republic Acts 7166 and 10380 and COMELEC Resolution No. 10725 which states that only four personnel from four groups may avail of local absentee voting. Government officials and employees, members of the Philippine National Police, members of the Armed Forces of the Philippines who are assigned in places where they are not registered voters may be covered by this privilege. Members of the media who are covering or reporting the conduct of the elections may likewise be covered,” pahayag ng PSC.
Iginiit ng poll body na ang mga atleta, coach at iba pang delegado ay hindi sakop ng mga indibidwal at grupo na nakapalob sa absentee voting.
Sa opisyal na pahayag ng PSC, sinabi ng ahensiya na iginagalang nito ang naging desisyon ng Comelec. Tanging ang mga atleta na kabilang sa reserved personnel sa militar at pulisya ang pasok sa panuntunan ng absentee voting. EDWIN ROLLON