TUTUNGO bukas sina Manny Bitog, Paul Ycasas, Alona Quintos at Annie Ruiz sa Baguio para sa ocular inspection sa sports complex na pagdarausan ng Batang Pinoy Grand Finals sa Setyembre, tampok ang mga medalist sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“We’ll motor to Baguio to see to it if the sports complex is ready to host the Batang Pinoy finals,” sabi ni Bitog.
Si Bitog ay hinirang ni PSC Officer-in-Charge at Commissioner Arnold Agustin na pamunuan ang four-man inspection team sa sports complex malapit sa Burnham Park.
Bilang isang engineer, pinamahalaan ni Agustin ang imprastraktura at pasilidad ng PSC sa Rizal Memorial Sports Complex, Philsports at sa Baguio.
Pansamantalang pinamumunuan ni Agustin ang day-to-day activities ng PSC sa pagkawala ni Chairman William Ramirez na babalik sa kanyang trabaho bago ang Asian Games sa susunod na buwan sa Indonesia.
Ang Batang Pinoy ay pinamahalaan ni Commissioner Dr. Celia Kiram bilang chairperson.
May 3,000 atleta ang inaasahang lalahok sa finals na tatampukan ng 19 sports at mga atleta mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ginawa ang Luzon leg sa Sorsogon, Visayas sa Dumaguete City at ang Mindanao leg sa Oroquieta, Misamis Occidental.
Inilunsad ng PSC ang Batang Pinoy para makatuklas na mga batang atleta na may potensiyal na pumalit sa mga atleta na magreretiro na matapos ang mahabang taong paglalaro sa overseas competitions.
“As you all know, some of our athletes are not getting younger anymore. We have to tap young potential athletes to take their shoes. This is the reason PSC comes up with this worthy programs,” paliwanag ni Agustin.
Bukod sa Batang Pinoy, inilunsad din ng PSC ang Philippine National Games, tampok ang national athletes at promising athletes mula sa iba’t ibang liga tulad ng UAAP at NCAA. CLYDE MARIANO
Comments are closed.