PSC TODO SUPORTA SA 2020 OLYMPIC BID NI DIAZ

Hidilyn Diaz

KASUNOD ng tatlong gold medal finish ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa 2020 Weightlifting World Cup sa Rome, Italy noong Martes, iginiit ng Philippine Sports Commission (PSC) ang suporta nito sa kampanya ni Diaz na magkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.

Ang naturang panalo ay nagbigay kay Diaz ng fighting chance na makasambot ng tiket sa Summer Olympics na nakatakda sa Hulyo  24 hanggang Agosto  9.

Nadominahan ng Philippine weightlifting superstar ang women’s 55-kilogram division makaraang bumuhat siya ng 93 kilograms sa snatch, 119 kilograms sa clean and jerk para sa total lift na 212 kilograms.

Nalusutan ni Diaz sina Ukrainian Kamila Konotop (196kg) at Nouha Landoulsi of Tunisia (194kg), na nagkasya sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

“We are supporting her in her efforts to qualify for the Olympics. She is one of those athletes on whom we are anchoring our dreams for Olympic gold. Congratulations Hidilyn!” wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“We are very proud of her. We expected no less because we see her training and we know she can,” dagdag pa ng agency chief na nagpahayag ng kumpiyansa sa Zamboanga lass.

Sa kanyang pinakahuling tagumpay, si Diaz ay no. 4 nga­yon sa  world women’s 55kg class, na nagbigay sa kanya ng magandang puwesto para magkuwalipika sa Olympiad sa ika-4 na sunod na pagkakataon.

Ang top 8 weightlifters lamang sa bawat division ang magkakaroon ng outright berth sa 2020 Olympiad.

Matapso ang Roma 2020, si Diaz ay mayroon na lamang ngayon na mahigit dalawang buwan para makapa-ghanda sa kanyang huling Olympic qualifying tournament – ang 2020 IWF Asian Championships na gaganapin sa Kazakhstan sa Abril 16-25.

Comments are closed.