PSC TUMANGGAP NG P2.1-M REMITTANCE MULA SA PCSO

PCSO-4

MAY kabuuang P2,145,110.47 ang ini-remit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine Sports Commission (PSC), sa isang simpleng seremonya sa PCSO Main Office sa Mandaluyong Cit kahapon.

Pormal na itinurnover nina PCSO Private Secretary 2 Marie Louise Serojales at Account Specialist Joseph Porto ang tseke kay turned PSC Cashier Marini Negado, na unang remittance ngayong taon.

“Ang PCSO ay kaagapay ng gobyerno para magbigay tulong sa buong Filipinas. Despite the pandemic, we are mandated to give our contributions, especially to the PSC,” sabi ni Serojales.

Sa ilalim ng Section 26 ng Republic Act 6847, “the PCSO is mandated by law to remit thirty percent (30%) of its charity fund and proceeds of six sweepstakes lottery draw per year to the sports agency which will be used for the latter’s sports development programs.”

“We are grateful for the unending support of PCSO to our sports programs. Our vision won’t be possible without support from agencies like them. Malaking tulong po ito para lalo naming mapagbuti ang aming mga programa. Maraming salamat po,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Kabilang sa grassroots programs ng PSC ang Batang Pinoy, Philippine National Games, Children’s Games, at Indigenous Peoples Games.

Nagpahatid din ang PCSO ng kanilang ‘well wishes’ sa Team Philippines na sasabak sa Tokyo Summer Olympic Games sa July 23- August 8, at sa 31stSoutheast Asian Games na gaganapin sa November 21 hanggang December 2 sa Hanoi, Vietnam.

“Sana itong aming mandatory contributions kahit paano ay makapagdagdag ng tulong sa ating mga atleta. Sana ay magkaroon tayo ng pag-asa na makakuha ng gintong medalya sa darating na Tokyo Olympics at SEA Games,” mensahe ni Serojales.

Noong nakaraang taon, ang charity agency ay nagpalabas ng mahigit P1.8 million sa government sports arm bukod sa P2.3 million noong 2019, ang parehong taon na hinost ng bansa ang 30th Southeast Asian Games at kinuha nito ang overall championship. CLYDE MARIANO

2 thoughts on “PSC TUMANGGAP NG P2.1-M REMITTANCE MULA SA PCSO”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *