CAVITE – BUGBOG-SARADO ang inabot ng 45-anyos na pulis na miyembro ng Presidential Security Group (PSG) sa walong vendor makaraang masagi ang isa sa grupo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa bahagi ng Barangay Talaba 4, Bacoor City, kamakalawa ng gabi.
Sasampahan ng kasong kriminal ang lima sa walong suspek na sina Jerome Galan y Sumugod, 21, ng Brgy. Talaba 2; Argie Galan y Sumugod, 24, ng Golden City Subd., Brgy. Slawag, Dasmariñas City; Judith Oliver y Adelante, 22, ng Brgy. Antiban 4, Bacoor City; Rigs Humprey Cuyso y Laurente, 19, ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City at si Alyas Jayson.
Naisugod naman sa pagamutan ang suspek na si Pablito Dela Cruz y Rodriguez Jr., ng Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City.
Base sa ulat ni PO3 Francis Mark Cortez na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na lulan ng L300 van ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang mapagawi sa kinaroroonan ng walong suspek na naglalakad at mainitang nagsisigawan sa gilid ng nasabing highway bandang alas-9:30 ng gabi.
Gayunman, pinalo ng isa sa suspek ang såsåkyan ng biktima kaya ito bumaba at kinompronta hanggang sa pagtulungang gulpihin ang PSG kung saan nasakote naman ang lima sa walong suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya. MHAR BASCO