PSL: 2-0 ASAM NG PETRON, F2 LOGISTICS

petron

Standings:

                                                W            L

Petron                                    1              0

F2 Logistics                          1              0

Smart                                     1              0

Foton                                     1              0

Cignal                                    1              1

Generika-Ayala                  0              1

Sta. Lucia                            0              1

Cocolife                               0              2

 

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

2 p.m. – Foton vs Cignal HD

4:15 p.m. – F2 Logistics vs Sta. Lucia

6:00 p.m.  –  Petron vs Generika-Ayala

SISIKAPIN ng reigning champion Petron na masustina ang mainit na simula sa pagsagupa sa mapanganib na Generika-Ayala sa pagbabalik ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre ngayong araw.

Sasambulat ang aksiyon sa alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng Foton at Cignal sa alas-2 ng hapon at ng F2 Logistics at Sta. Lucia sa alas- 4:15 ng hapon.

Matapos magpalakas sa off-season, ang Blaze Spikers ay nasa mainit na simula makaraang durugin ang bagitong Cocolife squad, 25-18, 25-15, 25-18, sa opener.

Ipinaramdam ni veteran Aiza Maizo-Pontillas ang kanyang presensiya habang ipinamalas ni Frances Molina ang kanyang pamatay na porma matapos na ganap na makarekober mula sa injury na nag-sideline sa kanya sa Asian Games at AVC Asian Women’s Cup, ilang buwan na ang nakalilipas.

Nakalikom si Pontillas ng 14 points habang kumana si Molina ng 10 hits para sa Blaze Spikers, na nakontrol ang laban mula sa umpisa hanggang katapusan.

Sinabi ni Molina na maaaring sila ang reigning titlists, subalit sumasalang sila sa laro nang walang anumang pressure.

“Although we’re the defending champions, we’re playing without any pressure and we’re just here to enjoy the game,” wika ni Molina.

“We have always prepared for every opponent and we are ready to give our best shot every game.”

Gagawin naman ng Cargo Movers ang lahat para mabawi ang korona na naagaw sa kanila ng Blaze Spikers noong nakaraang taon.

Pangungunahan nina Aby Marano, Cha Cruz, Kim Fajardo, Kianna Dy at Majoy Baron,  ang Cargo Movers ay sasabak na buo ang puwersa at sasamantalahin ang kulang sa taong Sta. Lucia squad, na hindi makakasama si injured Filipino-American spiker Mar-Jana Philips.

Comments are closed.