Mga laro bukas:
(Alonte Sports Arena)
12 noon – La Salle-Dasmarinas vs FEU
2:00 p.m. – CSA-Binan vs UP
4:00 p.m. – Cignal vs Generika-Ayala
6:00 p.m. – Petron vs F2 Logistics
NADOMINAHAN ng F2 Logistics ang Cocolife, 25-13, 25-16, 25-8, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Impresibo si Aby Marano sa magkabilang dulo upang tulungan ang Cargo Movers na maitarak ang ikatlong sunod na panalo.
Kumana si Marano, ang skipper ng national squad na sumabak sa Asian Games sa unang pagkakataon sa loob ng 36 taon, ng 10 attacks, 3 blocks at 3 aces para sa game-high 16 points para sa Cargo Movers, na nagpapalakas para sa kanilang malaking laban kontra Petron sa Sabado sa Alonte Sports Arena sa Binan City.
Ang Cargo Movers ang reyna ng season-ending conference na ito hanggang biguin sila ng Blaze Spikers sa finals noong nakaraang taon.
Tinalo rin ng Petron ang F2 Logistics sa hitik sa aksiyong finals showdown sa Grand Prix sa kaagahan ng taon kung saan sinamahan ni American import Katherine Bell si Lindsay Stalzer bilang last-minute substitute kay injured Hillary Hurley.
Batid ni F2 Logistics head coach Ramil de Jesus na ang kanilang duelo sa Petron ay hindi magiging madali kaya kailangan nila ng morale-boosting win.
“We had a good rest prior to this game,” ani De Jesus makaraang maiposte ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa torneo.
“That rest and recovery had very good effect to them because they had good connection on the court.”
Kuminang din sina Kianna Dy at Majoy Baron sa pagkamada ng 12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Cargo Movers, na nakahanap ng paraan para mapigilan si hard-hitting Filipino-American spiker Kalei Mau.
“They had good exposure with the national team,” sabi pa ni De Jesus. “That’s why I challenged them. I told them that they can’t afford to have a low performance because your coming off a good finish in the international arena.”
Comments are closed.