Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. – Cocolife vs Foton
4:15 p.m. – Sta. Lucia vs Petron
7 p.m. – Cignal vs Smart
SISIKAPIN ng Cignal na maibalik ang winning form sa pagsagupa sa inaalat na Smart sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Magsisimula ang aksiyon sa alas-7 ng gabi kung saan target ng HD Spikers na makabawi mula sa masaklap na pagkatalo sa Petron sa prestihiyosong women’s club tourney.
Samantala, tatangkain ng Blaze Spikers na mapalawig ang kanilang winning run sa pagsagupa sa wala pang panalong Sta. Lucia sa alas-4:15 ng hapon, habang pipilitin ng Cocolife na masundan ang kanilang unang panalo sa pagharap sa Foton sa 2 p.m. appetizer.
Ang Petron, ang reigning champion, ay nananatili sa ibabaw ng team standings na may 5-0 kartada, kasunod ang Foton at F2 Logistics na may 4-1 at 4-2 rekord, ayon sa pagkakasunod.
Ang panalo ng HD Spikers ay maghahatid sa kanila sa top four ng season-ending conference.
Sinabi ni Cignal coach Edgar Barroga na kailangan nilang dagdagan ang kanilang kumpiyansa, lalo na matapos malasap ang 22-25, 16-25, 19-25 kabiguan sa Petron sa kanilang naunang laro sa Caloocan Sports Complex noong weekend.
“I want them to be more confident against any team – be it a team-to-beat like Petron or any other team,” wika ni Barroga, at idinagdag na kailangang kumayod nang husto ng veteran crew nina Rachel Anne Daquis, Jheck Dionela, Mumay Vivas at Acy Masangkay laban sa mapanganib na koponan tulad ng Smart.
“They have what it takes to win games. But sometimes, they don’t trust themselves enough and their lack of confidence spills over the court.”
Comments are closed.