PSL: BUENA MANO SA ABANSE NEGRENSE

PSL

NADOMINAHAN ng Abanse Negrense teams ang unang araw ng kumpetisyon sa Philippine Superliga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup sa sand courts ng Subic Bay Metropolitan Authority sa Zambales kahapon.

Nagposte ang Abanse Teams A at B ng tig-2 panalo upang pangunahan ang kani-kanilang pools, na kinabibilangan ng Sta. Lucia teams.

Sa final game kahapon, pinadapa nina Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva ng Abanse B sina DM Demontano at Jackie Es-toquia ng Sta. Lucia A, 6-21, 21-14, 15-11.

“‘Yung receive namin nag-adjust po kami tsaka ‘yung setting . . . Opensa po,” sabi ni Cosas.

Tinalo rin nina Alexa Polidario at  Erjane Magdato ng Abanse A sina  Sta. Lucia B’s Bang Pineda at Jonah Sabete, 21-14, 21-12.

Sumasabak din sa torneo ang  F2 Logistics, United Auctioneers, Inc. at Toby Sports. Guest team naman ang Kennedy Solar En-ergy-PetroGazz.

Ang  PSL Beach Volleyball Challenge Cup ang unang volleyball event ngayong panahon ng pandemya.

29 thoughts on “PSL: BUENA MANO SA ABANSE NEGRENSE”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *