Team Standings:
Petron 4-0
Foton 3-0
F2 Logistics 3-1
Cignal 2-2
Smart 1-1
Generika-Ayala 0-3
Cocolife 0-3
Sta. Lucia 0-3
Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V
Centre)
1:30 p.m. – F2
Logistics vs
Generika-Ayala
4:15 p.m. – Foton
vs Smart
7:00 p.m. – Cignal
vs Sta. Lucia
SASAKAY ang Cignal sa momentum upang iposte ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa inaalat na Sta. Lucia sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa FilOil Flying V Center.
Nakatakda ang bakbakan sa alas-7 ng gabi kung saan sasalang ang HD Spikers na mataas ang morale matapos ang kapana-panabik na five-set victory laban sa Generika-Ayala nitong weekend.
Samantala, sisikapin ng F2 Logistics na makabawi sa pagharap sa Lifesavers sa ala-1:30 ng hapon, habang target ng Foton na makasalo ang Petron sa liderato sa pakikipagbuno sa Smart sa alas-4:15 ng hapon.
Laban sa Lifesavers, ang HD Spikers ay hindi bumigay.
Nagbuhos si seasoned spiker Rachel Anne Daquis ng 20 points, 17 digs at 13 excellent receptions, habang gumawa si national team member Mylene Paat ng 26 points, sa tuwa ni head coach Edgar Barroga na nagsabing dapat ding pumutok ang iba pa sa koponan.
“We’re happy that Mylene and Rachel are doing everything they can for the team but we also have to remember that everybody should do their part for us to win,” wika ni Barroga, ang team manager nang makopo ng HD Spikers ang kanilang unang titulo sa Invitational Conference noong nakaraang taon.
“I always tell them that volleyball is a team sport, we can’t always rely on two players.”
Pipilitin naman ng Sta. Lucia na masungkit ang mailap na panalo at putulin ang three-game losing skid.
Ang Lady Realtors ay nananatiling walang panalo dahil nasa sideline pa rin bunga ng injuries sina top gunner MJ Philips at Chin Basas.
Comments are closed.