PSL TAMPOK SA PSA FORUM

PSA

MAGIGING panauhin ang mga opisyal ng Philippine Super Liga (PSL) sa special session ng  Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Dadalo si PSL Chairman Philip Ella Juico at ang iba pang league officials, kasama ang mga kinatawan ng lahat ng kalahok na koponan, sa forum na handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ilan sa mga player na inaasahang dadalo sa weekly session sina Ara Galang at Aby Marano ng F2 Logistics, Rachel Ann Daquis at Jheck Dionela ng Cignal, Jaja Santiago at Mina Aganon ng Foton, Marinerang Pilipina’s Chiara Permentilla at Kaithlyn Viray ng Marinera Pilipina, at Mika Reyes at Ces Molina ng Petron.

Hinihikayat ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa public sports program na magsisimula sa alas-10:00 ng umaga.

Comments are closed.