NAKAHANDA na ang Philippine Suppliers and Manufacturers Exhibition (PSMex 2019) na inorganisa ng The Aerospace Industries Association of the Philippines (AIAP) na idaos ang unang reverse trade event nito para sa mga supplier, buyer at end-user ng manufacturing sector sa Filipinas.
Sa isang media roundtable kamakailan, sinabi ni Dennis Chan, presidente ng AIAP at chairman ng PSMEX 2019, na ang interna-tional trade event na may temang ‘Make in the Philippines’ ay lalahukan ng apat na major manufacturing industries na kinabibi-langan ng Aerospace, Automotive, Electronics at Motorcycle.
Ang PSMEX 2019 ay gaganapin sa March 27-30 sa World Trade Center sa Pasay City.
“PSMEx is more than just showcasing the technologies and products that the Philippines and other suppliers have. It has also several sessions on technical seminars, trainings and other exciting activities. PSMEx will also showcase Philippines’ global competency and capability to make products in the Philippines, as well as, offer our services to the world.”
Para sa mga exhibitor at mga katanungan hinggil sa event, maaaring makipag-ugnayan sa MAI (Market Access and Innovations) Events Management Philippines sa +6328651481, 6328651469, +6328469532 o mag-e-mail sa [email protected].
Comments are closed.