UPANG matulungan ang mga taong nakakaranas ng stress at pagkabalisa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at iba pang mental health concerns, ay nagpasya ang Department of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa pangunguna ni Regional Director Eduardo Janairo na itatag ang psychosocial support project na tinatawag nilang “Kapit-Bisig Helpline.”
Ayon kay Janairo, ang “Kapit-Bisig” Helpline ay isang psychosocial support project ng Mental Health Program ng DOH-Calabarzon, na itinatag sa rehiyon, alinsunod sa kanyang direktiba at ipinasilidad naman ng mga trained provider ng mental health and psychosocial support service (MHPSS) at psychological first aid (PFA), hindi lamang sa buong rehiyon, kundi maging sa iba pang panig ng bansa.
“Facing the COVID-19 pandemic gives us stress and mental health concerns, so much fear and worry about your own health and the health of family, including your financial situation, your job, or the loss of support services you rely on causes strong emotions, especially among adults. Public safety measures such as social distancing can also make some people feel isolated which can further cause anxiety although these actions are necessary to prevent the spread of the virus,” ani Janairo.
“Nakikita natin ito sa mga social platform like Facebook, wherein people are posting and expressing about their worries and fears sa COVID-19. Me mga humihingi ng tulong on how to manage themselves during this pandemic,” aniya pa.
“What will happen today and the days to come gives us problems in general. Lahat tayo affected, no one is spared. Iniisip mo pa lang na sa paglabas mo ng bahay at pagbili ng gamot o pagkain eh baka magka-COVID ka na can affect your behavior. And sometimes this panic may even trigger some underlying unresolved or suppressed trauma and we should be careful and delicate on how to handle these situations,” paliwanag pa ni Janairo.
Nabatid na kabilang sa mga kliyente na maaaring bigyan ng MHPSS ng helpline ay ang mga dumaranas ng depresyon na may suicidal thoughts, panic attack, anxiety disorder, hallucination, adjustment disorder at bipolar disorder.
Ayon naman kay Paulina A. Calo, Regional Mental Health Coordinator ng DOH-CALABARZON, ang “Kapit-Bisig” Helpline ay gumagamit ng online platform gaya ng Facebook at Messenger, para makapagbigay ng psychological first aid, Psychological interventions, Psychiatric Consultation and Treatment, at Referral sa iba pang health-related services.
Nabatid na simula nang umpisahan ang proyekto noong Abril 27, 2020 hanggang nitong Hulyo 31, 2020 lamang ay umaabot na sa 105 clients mula sa Calabarzon ang nabigyan nila ng psychosocial support service, 72 mula sa National Capital Region, 31 mula sa Central Luzon, anim mula sa Central Visayas, lima mula sa Eastern Visayas, lima mula sa Bicol Region, lima mula sa MIMAROPA, tatlo mula sa Ilocos Region, tig-dalawa mula sa CAR at Zamboanga Peninsula at tig-isa mula sa Cagayan Valley, Northern Mindanao at Davao Region.
Ang mga kliyente na natulungan ng proyekto ay nagkakaedad ng 16 hanggang 67 taong gulang. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.