PSYCHOLOGISTS, PSYCHIATRISTS WANTED SA PNP

IKINOKONSIDERA ng Philippine National Police (PNP) na mag-hire ng karagdagang psychologist at psychiatrist.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Jean Fajardo, ito ay upang lumakas ang kanilang background investigation sa mga nais mag-apply at pumasok sa organisasyon.

Ang hakbang ay kasunod sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa iligal na gawain kasama na ang paggamit ng droga.

Sinabi pa ng heneral na malaki rin ang maitutulong ng National Police Clearance para malaman kung may derogatory records ang mga nag a-apply pa lamang para mapabilang sa kanilang hanay.

Bukod sa nasabing mga hakbang, titingnan din ng PNP kung mayroong mali sa ginagawa nilang recruitment.

Paiigtingin din nila ang mga training pagdating sa mga imbestigador na napupunang may lapses kaugnay ng mga nakaraang insidenteng kinasasangkutan ng mga pulis.
EUNICE CELARIO