UPANG matiyak na selyado ang seguridad sa mismong araw ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa Hulyo 22.
Sa abiso ng PNP, epektibo ang suspensyon simula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-11:59 ng gabi sa nasabing petsa.
Nauna nang sinabi ng PNP na halos 22,000 pulis ang kanilang ipakakalat upang magbantay sa seguridad kasabay ng SONA.
Habang una nang sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) ay magpapakalat ng 6,000 na pulis sa paligid ng Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang political event.
Bukod sa bilang ng idedeploy na pulis, mayroon ding mga checkpoints sa karatig lalawigan para masiguro ang kapayapaan ng SONA. EUNICE CELARIO