NANAWAGAN ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na pakinggan ang panawagang hustiya ng tunay na pamilya ng mga nabiktima ng Maguindanao massacre noong Nobyembre 29, 2009.
Ang panawagan ay ginawa ng PTFoMS kasabay ng pag-alala sa unang taon ng paggawad ng guilty verdict ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes sa 197 akusado.
Tiniyak naman ng task force na patuloy nilang hahanapin ang iba pang nakalalayang suspek.
Noong Disyembre 19, 2019, inilabas ni Reyes ang landmark na guilty ang 197 katao kasama ang walong miyembro ng Ampatuan clan sa brutal na pagpaslang sa 58 katao kasama ang 32 media workers sa nabanggit na petsa sa Ampatuan, Maguindanao.
“More than a decade has passed since this horrifying crime against free speech and humanity has happened. Many, in fact, doubted that justice will be obtained in our lifetime. It took the political will of the Duterte administration to finally convict the suspects. Once more, I have nothing but praises for Judge Jocelyn Solis-Reyes for her sacrifice, tenacity, and strong-will in resolving this convoluted case,” ayon kay PTFoMS Co-Chair and Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.
Sinabi naman ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco na kinilala na ng legal experts ang desisyon ng korte.
Gayunman, nakalulungkot na mayroong mga organisasyon na nagpakilalang pamilya at kaibigan ng mga biktima na dumulog sa UNESCO para bawiin ng orihinal na desisyon ng Philippine judiciary para sa kanilang sariling interes.
Magugunitang noong Hulyo 31, 2020, itinuring ng UNESCO na case resolved na ang Maguindanao massacre subalit bumawi at ibinalik ang case status bilang “still ongoing.”
Gayunman, diplomatikong nanawagan ang pamahalaan sa UNESCO na ituring na case solved na ang Maguindanao massacre. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.