PANSAMANTALANG itinigil ng state-run na People’s Television Network o PTV 4 ng isang araw ang kanilang operasyon para sumailalim sa “extensive at thorough disinfection” ang kanilang head office facilities.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID- 19 ang kanilang mga empleyado empleyado ng mga nakaraang araw.
“Effectively, the station will have to go off air on Wednesday, 17 March 21021, and resume broadcast the following day, 18 March 2021, for all non-station produced programs,” sabi pa sa pahayag.
Ang mga flagship programs ng PTV na Public Briefing #LagingHandaPH at Ulat Bayan ay muling magbabalik sa ere sa Lunes Marso 22.
“A full resumption of regular programming will be announced separately,” sabi pa sa pahayag.
Tiniyak naman ng pamunuan ng nabanggit na istasyon na patuloy na magbibigay serbisyo sa publiko para sa mga balita at iba pang impormasyon sa pamamagitan ng Facebook and social media pages nito.
Base sa datos noong Marso 15 ang PTV ay nakapagtala ng 23 active COVID-19 cases, 64 recoveries, at dalawang ang namatay noong nakaraang Abril at Disyembre ng nakaraang taon.
Ang PTV ay nasa ilalim ng pangangasiwa Presidential Commuications Operations Office na pinamumunuan ni Secretary Martin Andanar. EVELYN QUIROZ
689930 229046Spot lets start on this write-up, I seriously believe this wonderful site requirements considerably far more consideration. Ill more likely once again to read an excellent deal a lot more, numerous thanks that info. 52831