MATAPOS magsumite ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng kanilang findings sa Palasyo sa alegasyon ng tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng isang pasahero na nag-viral sa social media, hiningi ni MIAA General Manager Ed Monreal ang public apology ng sinasabing biktima.
Hiniling kay Kristine Moran na bawiin nito ang kanyang pahayag na siya ay biktima ng tanim bala sa NAIA terminal 3 noong Hunyo 15 upang maalis sa isipan ng taumbayan ang alegasyon ng tanim bala sa mga paliparan.
Ayon kay GM Monreal, malinaw sa resulta ng imbestigasyon ng kanyang mga tauhan na ang bala ng 9mm ay nakuha sa ilalim ng bagahe ni Moran na nakabalot ng plastic nang madiskubre ng mga tauhan ng OTS pagdaan sa X-ray machines.
Sinabi pa ni Monreal na walang nangyaring iregular sa isinagawang inspeksiyon sa luggage ni Moran sapagkat binuksan ito sa harap niya mismo (Moran ) at ng iba pang tauhan ng MIAA.
Dahil sa maling akusasyon nitong nagrereklamo ay nagbabala si Monreal na siguruhin ng mga pasahero ang kanilang reklamo sapagkat nalalagay sa kahihiyan ang mga kawani ng MIAA sa maling akusasyon.
Ang nasabing pasahero ay hinayaan ng makalipad, ngunit haharapin nito ang mga kasong isinampa ng MIAA dahil sa akusasyon. FROI MORALLOS
Comments are closed.