MULING pinagana ng Department of Education ang Public Assistance Command Center (PACC) upang tugunan ang concerns kaugnay sa pagbubukas ng School Year 2022-2023.
Pormal na nagsimula ang operasyon nito kahapon sa Central Office sa Pasig City, kasabay ng paglulunsad sa 2022 “Oplan Balik Eskwela.”
Ayon kay DepEd undersecretary for Governance and Field Operations Revsee Escobedo, sasagutin ng PACC ang mga concern, mga reklamo at kahilingan ng mga education stakeholders na may kinalaman sa enrollment at iba pang school opening preparations.
Maaaring tumawag ang publiko sa PACC contact numbers na; (02) 8636-1663, (02) 8633-1942, (02) 8638-7529, (02) 8638-7530, (02) 8638-7531, (02) 8635-9817, (02) 8634-0222, at (02) 8638-8641.
Puwede rin sa kanilang mobile numbers na 09194560027 at 0995921846; sa email, [email protected], at official facebook page ng DepEd.
Sinabi pa ng DepEd na maglalagay rin ng sariling command center ang kanilang mga Regional at Schools Division Offices. DWIZ882