Nirikisang mabuti sa isang public consultation meeting ang proposal ng Land Transportation Office (LTO) na “Guidelines in the Immediate Transfer of Ownership of Motor Vehicles with Existing Registration” kaugnay ng Administrative Order No. VDM 2024-046.
Pinangunahan ang panel ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, kasama si LTO Executive Director Atty. Greg G. Pua Jr., 1-Rider Party-list Representative Bonifacio Bosita, at PBGEN William M. Segun, Director of the Highway Patrol Group.
Kasama rin ang mga representatives ng iba-ibang various transport groups, motor dealer associations, at rider advocates para sa mabusising diskusyon.
Layon nitong makapagbigay ng valuable insights and recommendations upang mas mapaganda ang guidelines on vehicle ownership transfer. Layon din nitong makalikha ng sistemang pakikinabangan ng publiko at industriya.
Ayon kay Assec Mendoza, malaking bagay na mabusisi ang nasabing direktiba dahil naging napakakontrobersyal nitong balita lalo na sa mga may-ari ng sasakyang nagbabalak magbenta ng at sa mga nagnanais namang bumili ng second hand vehicle dahil walang pambili ng bago.
Ngunit ang talagang gusto umano ng LTO ay mapabilis at maging transparent ang paglilipat ng ownership ng motor vehicle upang makaiwas na rin sa mga scammers.
Kasama sa consultative meeting ang mga representatives ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), National Federation of UV Express Incorporated (NAFUVEXI), Stop & Go, National Public Transport Coalition (NPTC), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Motor Dealers Association of the Philippines (MDAP), Motorcycle Rights Organization (MRO), Rider Safety Advocates of the Philippines (RSAP), at Philippine Association of LTO Accredited Driving Schools (PALADS).
Samantala, pansamantalang sinuspindi ng LTO ang pagpapatupad ng kanilang administrative order kung saan ang magbebenta ng used motor vehicles ay kailangang mag-report ng transaksyon sa LTO sa loob ng limang araw.
Sa direktribang may petsang October 23, 2024, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza na ang AO No. VDM 2024-046 o ang “Guidelines in the immediate transfer of ownership of motor vehicles with existing registration” ay pansamantala munang “in abeyance” hanggang hindi nila sinasabing ipagpatuloy.
“In the best interest of service and to clarify certain provisions for better implementation, as well as to lengthen the compliance period and allow more time to widen the information dissemination, the effectivity of AO No. VDM 2024-046… is held in abeyance until further notice,” ani Mendoza.
Ang memo umano ay effective immediately, at ang hindi susunod ay papatawan ng karampatang parusa.
Inatasan ang executive director na gumawa at magsumite ng draft at amended AO habang kinunkunsidera nila ang iba pang stakeholders.
Ang AO, na sasakop rin sa donation o transfer ng motor vehicles, ay inilabas noong August 30, 2024.
Kailangan ding iproseso ng bagong may-ari ng motor vehicle agad-agad ang proseso ng registration at transfer of ownership sa LTO sa loob ng 20 araw matapos ang transaksyon.
Kung hindi ito gagawin ay mapaparusahan at pagmumultahin pareho ang bumili at nagbenta.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE