PUBLIC HEALTH EMERGENCY PINALAWIG NI PBBM

IKINOKONSIDERA ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin hanggang katapusan ng taon ang state of public health emergency na unang idineklata noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Punong Ehekutibo, kanila nang tinalakay ni Health Officer In Charge Maria Rosario Vergeire ang nasabing plano upang maraming natatanggap na tulong mula sa international community kapag nasa sate of emergency.

“Yes, we were just discussing it with Usec. [Maria Rosario] Vergeire because maraming mga binibigay sa international medical community kapag state of emergency. WHO is one of them. At kung itigil natin ‘yung state of emergency, matitigil ‘yun,” ayon sa Pangulo.

Magugunitang noong March 2020 ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng state of public health emergency sa buong bansa makaaang makumpirma ang local transmission cases ng COVID-19.

Ang state of public health emergency ay panawagan para sa publiko bilang pagtugon sa mekanismo gaya sa paggamit ng resources upang pigilan ang paglawak ng virus.

“But if we can change — we are looking at amending the law in terms of procurement and all of that in the middle of an emergency. But that will take time. So malamang we will extend it until the end of the year,” bahagi ng pahayag ni PBBM.

Sa pinakahuling datos, nakapagtala ng 2,633 bagong COVID-19 cases sa bansa. EVELYN QUIROZ