PUBLIC MARKET NASUNOG

ISABELA-TINUPOK ng apoy ang anim na stalls ng dry section sa pampublikong pamilihan sa Baligatan sa lungsod ng Ilagan sa lalawigang ito.

Ayon sa Information Officer ng LGU City of Ila­gan, nagsimula ang sunog pasado alas-2 ng hapon at matapos ang ilan pang minuto ay idineklara na itong fire-out.

Dagdag pa ni IO Bacungan, apat na fire trucks ng BFP ang rumesponde upang apulahin ang sunog kung saan mabilis na lumaki ang apoy dahil ang stall #92 ay mga plastic at styro ang ibinebenta.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP City of Ilagan, ang nag-overheat na electric fan sa nasabing stall ang nakikitang pinagmulan ng sunog. IRENE GONZALES