NASUNOG ang Muzon sa loob ng PABAHAY 2000 area sa Muzon, San Jose del Monte City sa Bulacan kung saan nawalan ng magpagkakakitaan ang daan-daang stall owners.
Batay sa ulat na natanggap ni SJDMC Mayor Arthur Rober mula kay fire marshall CInspector Ellafil Libarnes, nagsimula ang sunog bandang 4:00 ng madaling araw kahapon, Sabado.
Umabot sa 3rd alarm ang sunog na nagsimula sa pagitan ng stalls nina Nandy Monitor at Ricardo Sacro.
Tinatayang aabot sa mahigit P3 milyon ang pinsala pero walang iniulat na namatay o nasugatan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad kung may naganap na arson. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.