IGINIIT ni Senador Richard Gordon na may karapatan ang bawat mamamayan na magbigay ng kanilang opinyon sa mga isyu sa bayan.
Dagdag pa ni Gordon, hindi dapat na maging balat-sibuyas ang isang public official sa bawat opinyon at pagpuna ng mamamayan o kapwa politicians.
Ito ang naging reaksiyon ng senador matapos siyang buweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag nito sa ambush interview sa Senado na umano’y dangerous ang ginagawa ng Pangulo sa pagtatalaga ng mga retired general sa kanyang gabinete.
Ayon kay Gordon, hindi siya nasaktan sa pahayag ng Pangulo nang sabihin na malaki ang kanyang tiyan, pakialamero at nakailang beses na tumakbong Pangulo, subalit talunan naman.
Sa halip, sinabi ng senador na nagpapasalamat pa siya sa Pangulo dahil sa pag-aalala sa kanyang waistline at kalusugan.
Dagdag pa ng senador lumiit na ang kanyang baywang kumpara noon kung saan napupuna ito ng kanyang asawa. VICKY CERVALES
Comments are closed.