NAGSASAGAWA ng ‘public penance’ o pananalangin at pagbabayad-puri ng mga mananampalataya ng Sta. Clara de Montefalco Parish sa Pasig City.
Ito’y kasunod na rin ng ginawang pagnanakaw sa ‘Blessed Sacrament’ sa adoration chapel nito kamakailan.
Nabatid na nagpalabas na rin si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ng decree na nag-aatas na isara ang Adoration Chapel ng simbahan mula noong Huwebes.
Pansamantala rin namang sarado ang buong simbahan simula Disyembre 8 at tatagal hanggang bukas, Martes, Disyembre 11, kaya’t lahat ng misa nitong Linggo ay idinaos na lamang sa labas ng Simbahan.
Nagbigay rin ng Katesismo tungkol sa Eukaristiya at ipinaliwanag ang nangyaring desecration sa Santissimo Sacramento.
Dinasal sa mga misa ang ‘Act of Reparation for Irreverence to the Eucharist’ bago ang Post-Communion Prayer.
Nabatid na nasa tatlong araw rin na nagkaroon ng Stations of the Cross sa paligid ng parokya at magdaraos rin ng ‘Day of Fasting and Penance’ ngayong araw para sa pagsisisi sa nangyaring paglapastangan sa Blessed Sacrament.
Isasagawa rin ang isang Eucharistic Procession patungo sa Adoration Chapel para sa muli nitong pag-bubukas at muling paglalagay sa Blessed Sacrament. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.