PUBLIC SCHOOLS SA MUNTI BALIK-BLENDED LEARNING

BUNSOD ng matinding init na nararanasan at inaasahang titindi pa dahil sa banta ng El Nino phenomenon, 28 public schools sa Muntinlupa City ang pansamantalang babalik sa blended learning.

Ayon sa Muntinlupa LGU ito ay para ma-protektahan ang kanilang mag-aaral sa matinding init sa kasalukuyan.

Magsisimula ang pagbabalik sa blended learning sa Mayo 2 at tatagal hanggang sa Hunyo 2.

Nabatid na sa panahong ito, maaring magsagawa ng online classes at traditional na in-person teaching ang mga paaralan.

Sinabi pa ni Mayor Ruffy Biazon na layon sa pagpapatupad sa blended learning ay para maingatan ang mga mag-aaral maging ang mga school personnel sa nararanasang matinding init ng panahon.