PUBLIC TRANSPO DAGDAGAN PARA MATUGUNAN ANG MATAAS NA DEMAND NG WORKERS HIRIT NG SOLON

PUBLIC TRANSPORT-2

HINILING ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin na madaliin na ang pagluwag sa restrictions at dagdagan ang mga pampublikong transportasyon.

Paalala ni Garin, House Committee on Economic Affairs Chairperson, hindi mababalanse ang pagliligtas ng buhay at kabuhayan kung hindi matutugunan ang problema sa ekonomiya.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang public transportation ay itinuturing na ‘major economic lifeline’  kung saan ito ay integrated at interconnected sa lahat ng negosyo kaya nananatili itong pangunahin at napakahalagang component sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Mahalaga rin, aniya, na madagdagan ang bilang ng mga bumabiyaheng  public transportation upang mapigilan ang mahabang exposure ng mga tao sa COVID-19 sa matagal na paghihintay ng masasakyan.

Mas lalo lamang umanong mababalewala ang pagpapatupad ng social distancing kung ang suplay naman ng public transportation ay mas mababa kumpara sa mataas na demand ng mga manggagawang pumapasok sa trabaho araw-araw.

Nanindigan din ang kongresista na ang pagbubukas ng ekonomiya ay dapat masuportahan ng pagtataas ng passenger capacity kaakibat ang nakalatag na health protocols upang matiyak na protektado laban sa sakit ang mga Filipino. CONDE BATAC

Comments are closed.