PUBLIC TRANSPORT BAWAL ULIT SA METRO MANILA, 4 LALAWIGAN

BAWAL PUBLIC TRANSPO

MULING sususpendihin ang pampublikong transportasyon sa pagbabalik sa Metro Manila at sa apat na lalawigan sa modified enhanced community quarantine simula ngayong araw, ayon sa Department of Transporation (DOTr).

Sa isang statement, sinabi ng DOTr na ang transport services  ay mananatiling limitado sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ alinsunod sa umiiral na quarantine guidelines na itinakda ng COVID-19 Inter-Agency Task Force ng bansa.

Ang public transport services na hindi papayagan sa ilalim ng MECQ ay ang mga bus, jeepney, taxi, train (PNR, LRT-1, LRT-2, at MRT-3) at Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Bawal din ang tricycle subalit may exceptions alinsunod sa panuntunan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng kinauukulang local government units.

“Only public shuttles dedicated for frontliners and other workers in permitted industries will be allowed to run under the service category,” ayon sa  DOTr.

Para sa private transport, papayagan ang company shuttle na mag-operate sa kondisyong susunod ito sa 50 percent passenger capacity rule. Ang mga uupahang shuttle ay dapat ding kumuha ng special permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Personal vehicles owned by persons or workers in permitted sectors will also be allowed, given only two persons per row are seated. Individual use of bicycle, motorcycle, and e-scooter (subject to existing traffic regulations) will also be allowed.”

Ang Metro Manila, gayundin ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, ay ibinalik sa mas mahigpit na lockdown status alinsunod sa panawagan ng medical community.

Samantala, hindi rin papayagan ang domestic flights sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ., habang mananatiling limitado ang international flights.

“No domestic flights (to and from MECQ areas). Limited international flights,” wika ni Transportation Assistant Secretary Goddes Libiran.

Comments are closed.