PUBLIC TRANSPORT HUWAG SUSPINDIHIN

Public transport

INANUNSIYO ng Malacañang na magpapairal ng ECQ sa NCR Bubble plus simula Agosto 6 hanggang Agosto 20 2021 dahil sa paglaganap ng Delta variant sa bansa. Ngunit paano ang policy sa public transport?

Ayon kay House Economic Affairs Committee Chairperson Sharon Garin – the Philippine economy lost about P21 billion pesos a month (conservative estimate) when public transport was suspen­ded during the lockdown, kaya naman nanawagan ang Management Association of the Philippines. Anila, magtatagal pa ang COVID-19 kaya dapat i-reclassify ang public transport bilang isang essential industry na hindi dapat isuspindi sa panahon ng lockdown.

Ganito rin ang panawagan ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) President Ariel Inton dahil kailangan ito para sa mobility ng mga tao na pinapayagang lumabas gaya ng mga front­liners at APOR.

Kailangan umano ng masasakyan ng mga magpapabakuna lalo na at naka-schedule na ang mga ito, depende sa mapagkakasunduan ng pamahalaan tungkol sa reduced-capacity at health protocols na dapat ipatupad.

Bagamat handa ang karamihan na sundin ang desisyon ng IATF, nagbabakasakali pa rin ang LCSP na dinggin nila ang pakiusap ng publiko.

Kamakailan, sinabi ng DOH na walang lockdown ngunit natuloy pa rin ito. Mula Agosto 6 hanggang 16, sasailalim sa hard lockdown ang Metro Manila Bubble Plus. Pakiusap lamang ng masa, sana naman ay huwag ipagbawal ang public transport, pero sana naman, sumunod sa health protocols ang mga PUJs at PUBs para na rin sa kaligtasan ng lahat. At sana, sa pagtatapos ng ECQ Season 3 ay may ibunga namang maganda ang pagtitiis ng tao. — NV

99 thoughts on “PUBLIC TRANSPORT HUWAG SUSPINDIHIN”

Comments are closed.