PUBLIC TRANSPORTATION BAWAL PA RIN SA MECQ

PUBLIC TRANSPORT-2

HINDI  pa rin pinapayagan ang pampublikong transportasyon at mananatiling limitado ang ilang transport service.

Ito ang pahayag  ng Department of Transportation (DOTr) kasabay  ng paalaala na “Kung  sa classroom may batas, mayroon din sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)!”

Gamit ng DOTr ang viral na “Kung sa Classroom may batas” statement ng aktres na si Kim Chiu.

Ayon sa  DOTr, sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, hindi pa rin pinapayagan ang pampublikong transportasyon.

Base sa utos ng IATF, ang mga employer ay dapat magbigay  ng shuttle service sa kanilang mga empleyado na papapasukin.

Kung hindi makakapagbigay  ng masasakyan ay papayuhang huwag munang magbukas.

“Kapag nag-comply ka sa mga ito na kabilang sa batas na ipinapairal ngayon, ginawa mo ang mga importanteng measures ngayong panahon ng #NewNormal, at tuluyan nang ma-flatten ang curve, Aba! Pwede kana ulit lumabas!” dagdag pa ng  DOTr. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.